|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati sa symposium, sinabi ni Huang Huikang, Embahador ng Tsina sa Malaysia, na dapat lubos na samantalahin ng Malaysia ang cross-border E-commerce, para ibayo pang paunlarin ang pag-aangkat at pagluluwas sa pagitan ng bansang ito at Tsina. Ito aniya ay makakatulong sa pagpapataas ng lebel ng kalakalan ng Tsina at Malaysia, at pagsasakatuparan ng target na aabot sa 160 bilyong Dolyares ang halaga ng kalakalan ng dalawang bansa, bago ang taong 2020.
Sinabi naman sa symposium ni Ong Ka Chuan, Ikalawang Ministro ng Kalakalang Pandaigdig at Industriya ng Malaysia, na mabilis na umuunlad sa Tsina ang cross-border E-commerce, at nagkaloob ito ng magandang paraan para iluwas sa Tsina ang mga paninda ng Malaysia. Nanawagan siya sa mga negosyanteng Malay na samantalahin ang pagkakataong ito.
Sa kasalukuyan, ang Malaysia ay pinakamalaking trade partner ng Tsina sa loob ng ASEAN. Ang halaga ng kalakalan ng Tsina at Malaysia ay katumbas ng sangkalima ng kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |