|
||||||||
|
||
Anang ulat, ayon sa mga estadistika nitong 2 taong nakalipas, ang Tsina ay ika-3 pinakamalaking pamilihang nag-angkat ng mga paninda mula sa Amerika, at ika-4 na pinakamalaking pamilihang nag-angkat ng mga serbisyo mula sa bansang ito.
Ipinahayag naman ni John Frisbie, Pangulo ng US-China Business Council, na mahalagang mahalaga ang pagluluwas sa Tsina para sa paglaki ng kabuhayan at pagbuti ng paghahanapbuhay ng Amerika.
Ayon pa rin sa naturang ulat, nakikinabang sa pagluluwas sa Tsina ang maraming sektor ng Amerika, na gaya ng kagamitang panghatid, agrikultura, komputer, produktong elektroniko, kemikal, turismo, edukasyon, serbisyong pinansyal, at iba pa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |