|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Central Statistics Agency o Badan Pusat Statistic (BPS) ng Indonesia, noong ika-2 kuwarter ng kasalukuyang taon, umabot sa 5.18% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan ng bansang ito. Ito ay mas mataas ng 0.52% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Suryamin, Puno ng BPS, na malinaw na mas mabuti ang naturang paglaki kung ihahambing sa naunang pagtaya ng Bangko Sentral ng bansa. Nasa mabilis na pag-unlad sa kabuuan ang pambansang kabuhayan, aniya pa.
Upang magpatuloy ang nasabing mainam na tunguhin, tinatayang posibleng muling ibaba ng Bangko Sentral ng Indonesia ang interest sa loob ng darating na ilang buwan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |