|
||||||||
|
||
Labing-isang libo at apat na raang (11,400) atleta mula sa 206 bansa at rehiyon ang kalahok sa katatapos na Olimpiyada.
Mga manlalaro habang nagmamartsa, hawak ang watawat ng Olimpiyada at pambansang watawat ng kani-kanilang bansa sa seremonya ng pagpipinid ng 2016 Rio Olympic Games, Rio de Janeiro, Brazil, Aug. 21, 2016. (Xinhua/Yin Bogu)
Fireworks display sa Maracana Stadium sa seremonya ng pagpipinid ng 2016 Rio Olympic Games, Rio de Janeiro, Brazil, Aug. 21, 2016. (Xinhua/Yin Bogu)
Nakuha ni Hidilyn Diaz ang medalyang pilak sa Weightlifting Women's 53 kg sa Rio Olympic Games, noong Agosto 8. Ito ang unang medalyang natamo ng Pilipinas sa weightlifting sa Olympiyada. Sa kabuuan, limang medalyang ginto, sampung medalyang pilak at dalawang medalyang bronse ang nasungkit ng mga bansa ng Timog-silangang Asya.
Si Hidilyn Diaz na nakangiti at kumakaway makaraang manalo ng medalyang pilak sa Final ng Weightlifting Women's 53 kg, 2016 Rio Olympic Games. (Xinhua)
Si Hidilyn Diaz habang binubuhat ang bigat na 200 kg sa Final ng Weightlifting Women's 53 kg, 2016 Rio Olympic Games. (Xinhua)
Ang Estados Unidos, Britanya, Tsina, Rusya, Alemanya, at Hapon ang natala sa una hanggang ika-6 na puwesto ng listahan ng medalya.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |