|
||||||||
|
||
SINABI ni Senador Leila de Lima na hindi siya dadalo sa gagawing imbestigasyon ng House of Representatives sa sinabing pagkalat ng droga sa New Bilibid Prisons, isang pasilidad na saklaw ng kanyang kagawaran noong siya ay Kalihim ng Katarungan.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga mamamahayag kanina, sinabi niya na siya ang nagbunyag ng drug trade na pinamunuan na rin ng mga nahatulan sa loob ng piitan.
Ayon sa mambabatas, walang lehitimong paksang pag-uusapan upang makagawa pa ng bagong batas.
Nanguna noon si Secretary de Lima sa ilang pagsalakay sa NBP kaya't nabuwag ang mga kubol at nasamsam ang mga kontrabando sa mga bilanggo. May mga salapi at iba pang ipinagbabawal na kagamitan sa loob ng piitan.
Napikon umano si Pangulong Duterte kay Bb. De Lima sa mga pahayag nito. Nakatitiyak umano siyang wala siyang koneksyon sa iligal na droga. Hindi kailanman siya nagkakanlong ng mga sindikato.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |