|
||||||||
|
||
NAGSIMULA ng mag-usap ang mga kinatawan ng Pamahalaan ng Pilipinas at National Democratic Front ngayong araw na ito at nagsimula na ng serye ng mga pagpupulong sa layuning magkaroon ng kasunduang pangkayapaan sa susunod na anim buwan hanggang isang taon.
Nagsimula ang pag-uusap matapos ang pagbubukas ng peace talks na ginagawa sa Scandic Holmenkollen Park Hotel sa Oslo, Norway.
Ipinaliwanag ni Labor Secretary Silvestre "Bebot" Bello III, chairman ng government peace panel na nagkasundo ang magkabilang panig na mag-uusap sa panel at committee levels upang madali ang proseso ng pag-uusap hinggil sa mga isyung mahalaga sa kani-kanilang layunin.
Ani Secretary Bello, natuto na ang pamahalaan sa mga leksyon mula sa nakalipas na karanasan at handa nang maghanap ng paraan upang madali ang pag-uusap.
Masigla ang magkabilang-panig sa pagsisimula ng pag-uusap, dagdag pa ni G. Bello.
Sa panig ni Presidential Peace Adviser Secretary Jesus G. Dureza, inataas ang government panel namadaliin ang peace negotations upang makamtan ang matagal ng mithing kapayapaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |