|
||||||||
|
||
Ipinahayag sa pulong ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ang Tsina, Hapon, at T.Korea ay tatlong pinakamalaking ekonomiya sa Silangang Asya, at isinasabalikat nila ang mahalagang tungkulin ng pagpapasulong ng kabuhayan ng rehiyong ito, pamumuno sa kooperasyong panrehiyon, at pangangalaga sa rehiyonal na kapayapaan at katatagan. Dapat aniyang pagtagumpayan ang mga kahirapan, alisin ang mga hadlang, dagdagan ang komong palagay, at itampok ang kooperasyon, para igarantiya ang matatag na pag-unlad ng kooperasyon ng tatlong bansa sa tumpak na direksyon.
Ipinahayag ni Wang, na kumpara sa ibang rehiyon ng daigdig, mapayapa sa kabuuan ang kalagayan ng Silangang Asya, at mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan. Nanawagan siya sa mga bansa sa rehiyong ito, na magkakasamang magsikap, para pasulungin ang rehiyonal na integrasyon, at pangalagaan ang katatagan, kaunlaran, at kasaganaan ng rehiyong ito.
Ipinahayag din ni Wang ang kahandaan ng Tsina, na palakasin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Hapon at T.Korea, kaugnay ng gagawing G20 Hangzhou Summit, para patingkarin ang papel ng summit na ito sa pagpapasulong sa kabuhayang pandaigdig, at pagpapabuti ng pandaigdig na pangangasiwa sa kabuhayan.
Ipinahayag naman nina Ministrong Panlabas Fumio Kishida ng Hapon at Ministrong Panlabas Yun Byung-se ng T.Korea, na mahalaga ang kooperasyon ng tatlong bansa para sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito. Sinabi nilang sa hinaharap, dapat ibayo pang palakasin ng tatlong bansa ang kooperasyon, pabilisin ang talastasan hinggil sa kanilang sona ng malayang kalakalan, at palalimin ang kooperasyon sa mga suliraning pandaigdig. Ipinahayag din ng mga panig Hapones at T.Koreano ang pagkatig sa G20 Hangzhou Summit, para matamo nito ang mahalagang bunga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |