|
||||||||
|
||
Sinabi ni Wang, na komprehensibo at mabilis na umuunlad ang relasyon ng Tsina at T.Korea, pero kinakaharap nito ngayon ang kahirapan at hamon. Ipinahayag niya ang buong tatag na pagtutol ng panig Tsino sa pagdedeploy ng Amerika ng Terminal High Altitude Area Defense system sa T.Korea, dahil aniya makakapinsala ito sa estratehikong seguridad ng Tsina. Umaasa si Wang, na magsisikap ang T.Korea, kasama ng Tsina, para makita ang maayos na solusyon sa isyung ito na katanggap-tanggap ng kapwa panig.
Ipinahayag din ni Wang ang paanyaya kay Pangulong Park Geun-hye ng T.Korea na dumalo sa G20 Hangzhou Summit.
Ipinahayag naman ni Yun Byung-se ang pagkatig ng T.Korea sa pagtataguyod ng Tsina ng G20 Summit, para magbigay ang summit na ito ng ambag sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Umaasa rin aniya ang T.Korea, na palalakasin, kasama ng Tsina, ang pagtutulungan, at palalalimin ang pagtitiwalaan, para pasulungin sa mas mataas na antas ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |