|
||||||||
|
||
Sa Jakarta--Pinasinayaan Huwebes, Agosto 25, 2016, ang Ika-2 Maritime Silk Road China-Indonesia Forum. Batay sa isinasagawang konstruksyon ng ASEAN Economic Community at Maritime Silk Road, magkakasamang nagbigay ng pagtaya sa hinaharap ang mga kalahok hinggil sa pagkakataong komersyal sa pagitan ng Tsina at Indonesia, Tsina at ASEAN sa bagong kalagayan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Abdul Alek Soelystio, Pangalawang Tagapangulo ng Indonesian Chinese Entrepreneur Association, na kasunod ng globalisasyong pangkabuhayan at mabilis na pag-unlad ng high-tech, umuunlad ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at pagpapalitang kultural ng Indonesia at Tsina, patungo sa mas malalim na direksyon.
Si Xu Ningning, Direktor na Tagapagpaganap ng China-ASEAN Business Council
Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Xu Ningning, Direktor na Tagapagpaganap ng China-ASEAN Business Council (CABC), na mula noong Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon, lumaki ng 45.6% ang aktuwal na inilaang pondong dayuhan ng ASEAN sa Tsina kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Aniya, lumaki naman ng 21.5% ang halaga ng direktang pamumuhunan ng Tsina sa ASEAN. Ito ay nagpapakita ng malaking kasiglahan ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |