Sapul noong Marso ng kasalukuyang taon, sa pagtataguyod ng Unyong Aprikano (AU), magkahiwalay na lumagda ang pamahalaan at kinauukulang oposisyon ng Sudan sa kasunduan ng "Roadmap" na naglalayong isakatuparan ang kapayapaan at katatagan sa bansa.
Kaugnay nito, ipinahayag Huwebes, Agosto 25, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kinakatigan ng panig Tsino ang soberanya, pagsasarili, at kabuuan ng teritoryo ng naturang bansa. Hinahangaan din aniya ng panig Tsino ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan ng Sudan para maisakatuparan ang nasabing kasunduan.
Salin: Li Feng