|
||||||||
|
||
Sinabi ni Wu Zhiwu, charge d'affaires ng Tsina sa Thailand, na nitong mga taong nakalipas, mabunga ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa iba't ibang aspekto na gaya ng kabuhayan, kalakalan, kultura, edukasyon, at iba pa. Kabilang dito aniya, ang aspekto ng kabuhayan at kalakalan ay tampok ng kooperasyon ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Tej Bunnag, dating Ministrong Panlabas ng Thailand, na ang infrastructure connectivity ay kasalukuyang pangunahing usapin ng ASEAN, at magdudulot ito ng magandang pagkakataon para sa kooperasyong Sino-ASEAN.
Ipinalalagay naman ni Abdul Majit, dating Embahador ng Malaysia sa Tsina, na sa kabilang ng mga umiiral na hidwaan, dapat magkonsentra ang ASEAN at Tsina sa pagpapalalim ng kooperasyon. Ito aniya ay makakatulong sa komong kaunlaran at kasaganaan ng dalawang panig.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |