Pagkaraan ng ilang araw na talastasan, nilagdaan kahapon, Biyernes, ika-26 ng Agosto 2016, sa Oslo, Norway, ng pamahalaan ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines na pinamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas (CPP), ang kasunduan hinggil sa pagsasagawa ng walang-taning na tigil-putukan.
Ayon pa rin sa kasunduan, sinang-ayunan ng dalawang panig na mararating sa loob ng darating na 6 na buwan, ang kasunduang may substansiyal na nilalaman hinggil sa reporma sa kabuhayan at lipunan, at pagkatapos nito, mararating ang isa pang kasunduan hinggil sa reporma sa pulitika at Konstitusyon.
Sinang-ayunan din ng dalawang panig na ipagpapatuloy ang talastasan sa Oslo, mula ika-8 hanggang ika-12 ng darating na Oktubre ng taong ito.
Salin: Liu Kai