|
||||||||
|
||
PATULOY pa ring umiihip ng hanging mula 160 kilometro bawat oras hanggang sa pagbugsong 195 kilometro bawat oras ang bagyong si "Dindo" na may international name na Lionrock samantalang papapalayo na sa Pilipinas.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administartion (PAGASA) inaasahang makalalabas na sa nasasakupang bahagi ng karagatan sa South China Sea ang bagyo pagsapit ng Linggo ng umaga.
Nakita si "Dindo" kanina sa layong 985 kilometro sa silangan, hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes at kumikilos ng pitong kilometro bawat oras.
Ang maulap na kalangitan na may banayad na pag-ulan at mga pagkulog-pagkidlat ang madarama sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan, dagdag pa ng PAGASA.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |