|
||||||||
|
||
SINABI ng Integrated Bar of the Philippines na nag-uugat ang masakit na biro sa bahagi ng dulang "Henry VI" ni Shakespeare na nagmungkahing patayin ang mga tagapagtanggol o mga abogado. Sa isang pahayag, sinabi ng samahan ng my 52,000 abogado sa Pilipinas na ang buod ng pahayag ay upang magkaroon ng kaguluhan at 'di pagkakaunawaan at alisin at lipulin ang mga hahadlang sa kanilang maitim na layunin at mawala sa daigdig ang mga nagtataguyod ng malayang pag-iisip, ang mga tagapagtanggol.
Ang matatag at epektibong legal profession ang isa sa pinakamabisang paraan upang hadlangan ang kaguluhan sa isang malayang lipunan. Kung ang mga abogado ay pagbabantaan ng pananakit o pagpatay sa kanilang pagganap sa kanilang sinumaang papel, nababawasan ang halaga ng batas at magtatagumpay ang mga nagnanais lumabag sa mga karapatan ng mga mamamayan.
Sa pangyayaring ito, inulit ng Integrated Bar of the Philippines ang mga naunang pahayag na tumutuligsa sa mga pagpaslang sa mga tagapagtanggol.
Nananawagan ang IBP sa Philippine National Police at maging sa National Bureau of Investigation at iba pang alagad ng batas na kumilos upang matuldukan ang mga pagpaslang na pinalalala ng 'di malutas-lutas na pagpatay sa mga hukom at mga abogado.
Pinamunuan ni Atty. Rosario Setias-Reyes ang mga lumagdang opisyal ng pambansang samahan ng mga tagapagtanggol sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |