Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maraming mapakikinabangan sa Silk Road

(GMT+08:00) 2016-08-27 18:28:13       CRI

MARAMING mabibiyayaan sa pagpapalawak ng relasyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas sa palatuntunan ni Pangulong Xi Jinping sa larangan ng trade at investments at people-to-people exchanges.

Ito ang sinabi ng isa sa mga nangungunang ekonomista sa Tsina, si Prof. Zhang Yuyan sa kanyang pakikibahagi ng mga pagsusuri sa isang malayang talakayan na pinamagatang "The Role of China In Global Economic Affairs" na binuo ng Asian Institute of Management sa pakikipagtulungan sa Embahada ng Tsina sa Maynila.

Ayon kay Prof. Zhang, Director ng Institute of World Economic and Politics sa Chinese Academy of Social Sciences, ang Silk Road Economic Belt at ang Maritime Silk Road initiative na inilunsad ni Pangulong Xi noong 2013 ay nagsimulang sumigla noong 2014 na nakatuon ang prayoridad sa mga pagawaing-bayan.

Magkakaroon ng ugnayan ang Tsina sa Central Asia, Russia at Baltic Countries sa Europa, sa Persian Gulf at Miditerranean Sea sa pamamagitan ng Central Asia at West Asia at maging sa Southeast Asia, South Asia at Indian Ocean.

Ang 21st Century Maritime Silk Road ayon kay Prof. Zhang, ay binuo mula sa baybay-dagat ng Tsina patungo sa Europa sa pamamagitan ng South China Sea at Indian Ocean at mula sa baybay-dagat ng Tsina patungo sa South Pacific.

Idinagdag pa ni Prof. Zhang na maganda na ang relasyon ng Tsina sa mga bansang saklaw ng Belt and Road project.

Higit na sa 100 bansa at pandaigdigang mga samahay ang lumahok na sa Belt and Road project at katatagpuan ng 30 bansang lumagda na sa mga kasunduan sa pagpapatulad ng belt & road strategy at may higit sa 20 bansa ang nakasama ng Tsina sa production capacity cooperation tulad ng pagtatayo ng daang bakal at nuclear power.

Noong nakalipas na taon, ang bilateral trade sa pagitan ng Tsina at ibang mga bansang nasa Belt and Road ay umabot na sa US$ 995.5 bilyon na kumakatawan sa 25.1% ng pambansang kalakal. Mayroon na ring pagpapalawak sa may 50 overseas economic cooperation areas.

Noong nakalipas na taon, naglaan ng investments ang mga kumpanyang Tsino sa halagang US$ 14.82 bilyon sa may 29 na bansa. Nadagdagan ito ng may 18.2% sa kung ihahambing sa nakalipas na taon at kumakatawan sa 12.6% ng kabuuhang investments.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>