|
||||||||
|
||
SISIMULAN sa Martes, ika-30 ng Agosto ang pagpupulong na itinataguyod ng International Atomic Energy Agency sa Manila Diamond Hotel.
Nakatakdang magsalita sina Dr. Mihkail Chudakov, Deputy Director General at pinuno ng Department of Nuclear Energy ng IAEA at Dr. Alex R. Burkart co-chair ng Infrastructure Development Working Group.
Dalawang opisyal ng Pilipinas ang magbabahagi ng kanilang pananaw sa larangan ng nuclear energy. Mauuna si Department of Energy Secretary Alfonso G. Cusi at Senate President Aquilino L. Pimentel III.
Magkakaroon ng press conference at dadaluhan ng iba't ibang panauhing kalahok sa pangrehiyong pulong.
Sa darating na Huwebes, ihahayag nina Secretary Cusi at Dr. Burkart ang napagkasunduan sa pangrehiyong pulong.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |