Ipininid ngayong araw, Linggo, ika-4 ng Setyembre 2016, sa Hangzhou, Tsina, ang Business 20 Summit (B20 Summit), aktibidad na industriyal at komersyal ng G20.
Sa summit na ito, ginawa ng mga kinatawan ng sirkulong industriyal at komersyal ng daigdig ang ulat ng mga mungkahi sa patakaran ng B20, at isinumite ito sa G20 Hangzhou Summit.
Kalakip sa ulat ang 20 mungkahi hinggil sa pagpapasulong ng kabuhayan at komersyo, na kinabibilangan ng pagtatatag ng Electronic World Trade Platform (eWTP) para sa pagpapaunlad ng transnational E-commerce at digital economy, mga konkretong hakbangin sa inobasyon sa kabuhayan, pagpapalakas ng infrastructure connectivity sa buong daigdig, at iba pa.