|
||||||||
|
||
HANGZHOU, Setyembre 5, 2016--Pagkaraang ng pagpipinid ng dalawang-araw na ika-11 Summit ng Group of 20 (G20), kinatagpo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga mamamahayag.
Ginawa ni Xi ang konklusyon hinggil sa mga komong palagay at pangunahing bunga ng summit sa ilalim ng pangunahing temang "Pursuing innovative, Invigorated, Interconnected at Inclusive" na paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Aniya, idinaos ang summit sa masusing panahon ng paglaki ng kabuhayan ng daigdig at transpormasyon ng G20, kaya, ito ay lubos na pinapansin ng komunidad ng daigdig at inaasahan ang malaking ekspektasyon. Sa summit na ito, tinalakay ng mga kalahok ang mga isyu hinggil sa mas mabisang pamamahala ng pandaigdig na kabuhayan at pinansyo, matipunong pandaigdig na kalakalan at pamumuhunan, at inclusive at interconnected na pag-unlad.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |