Nakipagtagpo nitong Lunes, September 5, 2016, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong François Hollande ng Pransya na dumalo sa G20 Summit sa Hangzhou.
Tinukoy ni Pangulong Xi na mabunga ang G20 Summit. Aniya, palagiang itinuturing ng Tsina ang Pransya na mahalagang estratehikong partnership ng Tsina kung kahit ano ang mangyayari sa komunidad ng daigdig. Aniya pa, nakahanda ang Tsina na palalimin ang pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Pransya sa iba't ibang larangan, pahigpitin ang pagpapalitang kultural, at palakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinasyon sa mga suliraning pandaigdig, para mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa. Palagiang kinakatigan ng Tsina ang integrasyon ng Europa, dagdag ni Xi.
Bumati si Pangulong Hollande sa matagumpay na pagdaraos ng G20 Summit, lalong lalo na sa mga komong palagay na narating ng mga lider hinggil sa pagpapasulong ng kabuhayan ng daigdig, pagpapasigla ng kalakalan, pagharap sa pagbabago ng klima, at iba pang isyu. Aniya, pinahahalagahan ng Pransya ang relasyon sa Tsina, at nakahanda aniya, ang Pransya na pahigpitin ang pag-uugnayan at pagkokoordinasyunan ng dalawang bansa at patuloy na pasulungin ang pragmatikong kooperasyon sa agrikultura, pagkain, nuclear power, turismo, kapaligiran, at mga mainit na isyung pandaigdig at panrehiyon.