|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon, Miyerkules, ika-7 ng Setyembre 2016, sa Vientiane, Laos, ang Ika-19 na Summit ng ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea o "10 plus 3."
Sa kanyang talumpati sa summit, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa pamamagitan ng 19 taong pag-unlad, natamo ng mekanismo ng "10 plus 3" ang mahalagang tagumpay. Aniya, ang susunod na taon ay ika-20 anibersaryo ng "10 plus 3," at ito ay dapat maging bagong simula, para patatagin ang papel ng mekanismong ito bilang pangunahing tsanel sa rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan.
Kaugnay ng mga kooperasyon ng "10 plus 3," iniharap ni Li ang 6 na mungkahi, na gaya ng pagpapalakas ng kooperasyon sa seguridad na pinansyal, pagpapalalim ng kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan, pagpapasulong sa kooperasyon sa agrikultura at pagbabawas ng kahirapan, pagpapasulong sa konektibidad, pagsasagawa ng bagong paraan ng kooperasyon sa kakayahang produktibo, at pagpapahigpit ng pagpapalitang panlipunan at pangkultura.
Tinukoy din ng Premyer Tsino, na sa ilalim ng kasalukuyang matatag na kalagayang panseguridad sa Asya, pinaninindigan ng panig Tsino na itatag ang komon, komprehensibo, kooperatibo, at sustenableng konsepto ng seguridad, para makabuti sa iba't ibang panig, iwasan ang komprontasyon, at maayos na hawakan ang mga sensitibong isyu.
Binigyan naman ng positibong pagtasa ng mga iba pang kalahok na lider ang pag-unlad ng mekanismo ng "10 plus 3," at mahalagang papel nito sa rehiyon. Sinang-ayunan nilang sa susunod na taon, patuloy na gagawin ang blueprint ng komunidad na pangkabuhayan ng Silangang Asya, at pabibilisin ang mga kooperasyon ng "10 plus 3." Ipinahayag din nilang dapat ibayo pang pagkoordinahan ng iba't ibang panig ang paninindigan, para harapin ang mga tradisyonal at di-tradisyonal na hamon sa seguridad, labanan ang terorismo at ekstrimismo, at pangalagaan ang kapayapaan at katahimikan ng rehiyon at daigdig.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |