IPINALIWANAG ng Armed Forces of the Philippines na ang tanging dahilan ni Pangulong Duterte sa pagpapaalis sa mga kawal na Americano sa Mindanao ay ang kanilang kaligtasan.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, nababahala lamang si Pangulong Duterte sa kaligtasan ng mga kawal na Americano sa Mindanao.
Ito ang buod ng kanyang pahayag na ipinadala sa mga mamamahayag. Layunin lamang ng pangulo na mailayo sa kapahamakan ang mga kawal na Americano.