MAY haharap na testigo laban kay Senador Leila de Lima. Ito ang sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa panayam sa isang himpilan ng radyo kaninang umaga. Nakatakdang magsagawa ng pagsisiyasat ang Kongreso sa susunod na linggo.
Mayroon umanong sampu hangang 12 mga high-profile na bilanggong haharap sa imbestigasyon. Kasama na si Herbert "Ampang" Colangco sa magiging testigo.
Kasama si Colangco sa dalawang drug lord na kabilanggo na subalit tuloy pa rin ang operasyon ng illegal drugs. Idinagdag pa ni G. Aguirre na may isang dating director ng National Bureau of Investigation ang haharap sa pagsisiyasat.
Naunang sinabi ni Senador de Lima na 'di siya dadalo sa pagdinig ng Kongreso sapagkat 'di siya umaasang magiging patas ang pagdinig.