LUBHANG nababahala ang Pilipinas sa ginawang pagpapasabog ng bombang nukleyar noong nakalipas na Biyernes, ika-siyam ng Setyembre. Ginawa ang pagpapasabog sa likod ng mga babala ng international community at tahasang paglabag sa mga resolusyon ng United Nations Security Council.
Sa isang pahayag ng Department of Foreign Affairs, nanawagan na naman ang Pilipinas sa Democratic People's Republic of Korea na tumugon sa mga nilagdaan nitong kasunduang napapaloob sa UN Security Council resolutions kasabay ng pakiusap na maging mahinahon sa ngalan ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.