|
||||||||
|
||
Ayon sa mga balitang lumabas, sinabi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III, pinuno ng committee on ethics and privileges, hindi pa niya nababasa ang reklamo, ang ikalawang kaso laban sa baguhang senador mula ng pangalanan siya ni Pangulong Duterte na sangkot sa drug trade sa New Bilibid Prisons noong nanunungkulan siya sa Department of Justice.
Sapagkat hindi pa niya nababasa ang reklamo, hindi pa rin niya alam kung sino ang nagreklamo kaya't walang anumang detalyes ang mailalabas hanggang sa mabasa ng kanyang mga kasama ang reklamo.
Dinala umano ang reklamo kagabi sa Senado. Pag-uusapan pa nila ang bagong reklamo bilang dagdag sa reklamo ng isang Atty. Abelardo de Jesus na nagreklamo ayon sa pahayag ng pangulo.
Patuloy na itinatanggi ni Senador de Lima ang mga akusasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |