|
||||||||
|
||
SINABI ni Communications Secretary Martin Andanar na nais ni Pangulong Duterte na igalang din ng United Nations at European Union ang pagiging malayang bansa ng Pilipinas sa likod ng mga batikos na natatamo dahil sa mga sinasabing labag sa batas na pagpaslang ng mga pinaghihinalaang drug pushers at drug users.
Sa panayam sa isang himpilan ng radyo kanina, ipinaliwanag ni G. Andanar na walang anumang puna mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa nagaganap sa Pilipinas kaya't marapat lamang na bigyan din ng pagkakataong magtanong sa mga kinatawan ng United Nations at European Union si Pangulong Duterte.
Binanggit pa ni G. Andanar na panghihimasok na sa nagaganap sa Pilipinas ang ginagawa ng mga samahan at bansa sa pakikidigma sa bawat na gamot.
Hindi nakikialam ang Pilipinas sa nagaganap sa Turkey. Tanging pagkabahala sa kalagayan ng mga Filipino doon ang nagmula sa Department of Foreign Affairs, dagdagan pa ni G. Andanar.
Sa naturan ding panayam, sinabi ni G. Andanar na tanging tatlong bagay ang pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan tulad ng peace and order, roadmap to peace at poverty alleviation sa unang isang daang araw ng panunungkulan ni Pangulong Duterte.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |