UPANG makatiyak ang mga magdaragat na ligtas sila sa anong problemang legal, makabubuting basahing mabuti ang nilalaman ng mga kontratang kanilang nilagdaan.
Ito ang panawagan ni Atty. Dennis Gorecho, isang dalubhasa sa larangan ng maritime laws. Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi naman niyang may mga kontratang mangilan-ngilan lamang ang karamdamang maaaring bayaran ng mga kumpanya.
Mas makabubuting magkaroon din ng sariling manggagamot ang magdaragat upang matiyak ang kanilang katayuan at kalusugan. Mayroon na umanong decided cases na nagsasabing ang mga doktor ng mga kumpanya ay hindi maituturing na personal na manggagamot ng mga kawani.