Setyembre 25, 2016, Havana,Cuba—Kinumusta si Fidel Castro, Revolutionary Leader ng Cuba ni Li Keqiang, dumadalaw na premiyer ng Tsina. Nag-usap sila hinggil sa relasyon ng Tsina at Cuba, kapayapaan ng daigdig, mga minit na isyung panrehiyon, paggarantiya sa pagsuplay ng ng pagkaing butil at iba pa.
Ipinahayag ni Li na pinahahalagahan ng Tsina ang pagkakaibigan nila ng Cuba, nakahandang pahigpitin ang pagtitiwalaang pulitikal at palawakin ang kooperasyon ng dalawang panig.
Sinabi ni Castro na nitong 50 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, natamo ng Tsina ang malaking bunga ng pag-unlad, nakahanda patuloy na palakasin ang pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang panig.
salin:wle