Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdiriwang ng Embahada ng Tsina, matagumpay na idinaos

(GMT+08:00) 2016-09-28 16:34:41       CRI

PAGKAKAIBIGAN NG PILIPINAS AT TSINA, HIGIT NA GUMANDA. Sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na ilang ulit na silang nakapag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ipinagpasalamat niya ito sa kanyang talumpati sa ika-67 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China kagabi sa Shangri-La Hotel at the Fort. Masigla rin siyang humarap sa mga mamamahayag na nagtanong kung tuloy na ang pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina. (Melo M. Acuna)

SINABI ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na mula ng maluklok si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang ay nagkaroon na ng serye ng pag-uusap sa pagitan ng magkakaibigan. Unti-unti nang nawawala ang lambong na bumalot at naging dahilan upang lumamig ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Unti-unting sumisikat ang araw at nagbubukas ng pagkakataon sa bagong serye ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-67 Anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China kagabi sa Shangri-La Hotel at the Fort sa Lungsod ng Taguig, sinabi ni Ambassador Zhao iginagalang ng Tsina ang mga bansang may pinagdaraanang mga pagsubok.

Ang paglaban sa bawal ng gamot ay nangangailangan ng pagtutulungan ng iba't ibang bansa. Nakikiisa ang Pamahalaang Tsino sa administrasyon ni Pangulong Duterte na bigyang halaga ang paglaban sa mga krimen at patuloy na susuporta sa anomang proyektong mangangaillangan ng pakikiisa samantalang magpapatupad ng pinagsanib na proyekto.

Ang pagkakaroon ng magkakaibang paniniwala ay karaniwan na. Ani Ambassador Zhao ang kailangan ay magroon ng pangakong lulutasin ang mga 'di pagkakaunawaan sa pamamagitan ng pagsusulong ng bilateral dialogues at negotiations.

Nararapat lamang palakasin ang layuning malutas ang mga 'di pagkakaunawaan sa pag-uusap at hindi mahahadlangan pa ninuman.

Dumalo sa pagtitipon sina Foreign Affairs Undersecretary Jesus I. Yabes, Senador Franklin M. Drilon, Cynthia Villar, Alan Peter Cayetano, dating Pangulong Fidel V. Ramos, dating Pangulong Joseph Estrada na ngayo'y punonglungsod ng Maynila, Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at Budget and Management Secretary Benjamin Diokno.

Kinatawan ng Diplomatic Corps si Vice Dean at Ambassador Christian Anthony Vihnuri ang nakasama sa palatuntunan.

Ani Ambassador Zhao, sa loob ng 67 taon, napaunlad ng Tsina ang kanilang bansa at mga mamamayan at nakamtan ang ikalawang puesto sa pinakamalaking ekonomiya at nawakasan nila ang pagdarahop ng may 1.4 bilyong mamamayan. Nakamtan na rin ang kaunlaran at ang mga karapatan at dignidad na matagal na inasam. Nakatulong rin umano ang Tsina sa kapayapaan sa daigdig at sa kaunalran ng nakararaming bansa.

Sa pagtatanong ng mga kaibigan kung ano ang lihim ng Tsina, sinabi ni Ambasssador Zhao na ang malakas na lideratong taimtim na naglilingkod sa mga mamamayan at desididong mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pambansang kaunlaran sa ekonomiya at kabutihan ng lipunan ang kanilang unang lihim.

Ang pangalawang lihim ay ang pagkakaroon ng patuloy at tamang estratehiya na naglalaan ng pagbabago sa oras na kailanganin. Ipinatutupad na ang ika-13 five-year national development plan.

Isang lihim din ng Tsina ang pagkakaroon ng masisipag at matitiyagang mga mamamayan na handang maglingkod sa mahabang oras at nakatuon ang pansin sa pagpapaunlad ng kanilang buhay.

Ang pang-apat na lihim ay ang pagkakaroon ng matatag, payapa at pagtutulungan sa rehiyon at sa daigdig upang maituon lamang nila ang kanilang pansin sa pambansang kaunalran. Nakikipagkalakal na ang Tsina sa higit sa 100 mga bansa.

Ipinaliwanag pa ni Ambassador Zhao na hindi lamang magkalapit-bansa ang Pilipinas at Tsina. Magkakamag-anak ang mga Tsino at Filipino na mayroong magandang kasaysayan at maayos na kalakalan. Ang dalawang bansa ay nahahati lamang ng karagatan subalit siya'y naniniwala na ang Tsina at Pilipinas ay napag-uugnay ng South China Sea.

Libong taon na ang kalakalan ng mga Tsino at Filipino sa pamamagitan ng karagatan. Kapwa nakidigma upang lumaya laban sa mga mananakop at pananalasa ng mga banyagang may mga sasakyang-dagat na nanakop ng mga lupain sa pamamagitan ng South China Sea.

Sa ika-21 siglo, may mga makabagong katotohanang nakaaapekto sa buhay ng mga mamamyan. Nakikita ang pakikiisa ng Tsina sa daigdig sa pamamagitan ng Belt and Road initiative ni Pangulong Xi Jinping. Ito ang magiging koneksyon ng Asia, Europa at Africa.

Ang Pilipinas at Tsina ay matagal nang magkaugnay sa sinaunang Maritime Silk Road at nararapat lamang maging matatalik na magkakaibigan sa makabagong Maritime Silk Road.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>