|
||||||||
|
||
Sina Premyer Li Keqiang ng Tsina (sa kanan) at Embahador ng Latvia (sa kaliwa)
Sa bisperas ng ika-67 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China, kinatagpo Biyernes ng hapon, Setyembre 30, 2016, sa Great Hall of the People ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga bagong sugo ng 35 bansa.
Winiwelkam ni Premyer Li ang pagdating ng naturang mga bagong sugo. Ipinahayag din niya ang taos-pusong pangungusta at mainam na pagbati sa mga lider at mga mamamayan ng kani-kanilang bansa,
Ipinahayag ng Premyer Tsino na iginigiit ng Tsina ang nagsasarili at mapayapang patakarang panlabas, at igingiit din ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad. Nakahanda aniya ang Tsina na sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't-isa at pagkakapantay-pantay, palalimin kasama ng iba't-ibang bansa sa daigdig, ang kanilang pagtitiwalaan, palakasin ang pragmatikong kooperasyon para maisakatuparan ang win-win situation. Kasabay ng paghahatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng sariling bansa, dapat ding palakasin ang partnership ng iba't-ibang bansa at magkakasamang harapin ang iba't-ibang uri ng hamon para magkakasamang mapasulong ang pagsasakatuparan ang malakas, sustenable, at balanseng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, dagdag niya.
Nagpahayag naman ang mga bagong sugo ng maringal na pagbati sa ika-67 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China. Ipinaabot din nila ang pangungusta sa mga lider at mga mamamayang Tsino. Ipinahayag nila na gumaganap ang Tsina ng mahalagang papel para mapangalagaan ang kapayapang pandaigdig at mapasulong ang komong pag-unlad. Nakahanda silang gumawa ng walang humpay na pagsisikap para mapaunlad ang relasyon ng kani-kanilang bansa sa Tsina.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |