Nanawagan kahapon, Oktubre 5, 2016, si Wu Haitao, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations sa komunidad ng daigdig na pahalagahan ang pagpawi ng kahirapan, at gawing unang tungkulin ng pag-unlad ng lipunan sa isyung ito.
Idinaos ang General Debate ng ika-17 Pangkalahatang Asemblea ng UN hinggil sa pag-unlad na panlipunan. Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Wu na ang pagpawi ng kahirapan ay isa sa tatlong nukleong target na iniharap sa World Summit on Social Development, at nasa unang puwesto ng 17 target ng "2030 Agenda for Sustainable Development" ng UN. Kaya, dapat gawing priyoridad ang pagpawi ng kahirapan ng iba't ibang bansa, mas malakas na magsikap para maigarantiya ang pagsasakatuparan ng target sa takdang panahon.
salin:wle