Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, naghahanda na sa paglalakbay patungong Tsina

(GMT+08:00) 2016-10-06 20:01:53       CRI

PAGLALAKBAY SA BEIJING TULOY NA.  Sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar na tuloy na ang paglalakbay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Beijing bago matapos ang Oktubre.  Sa isang panayam, sinabi niyang pagpapalawak lamang ng oportunidad para sa Pilipinas at mga Filipino ang isang independent foreign policy tulad ng mas malapit na pakikipagkaibigan sa mga bansang Tsina at Russia.  (Melo M. Acuna)

MATUTULOY na ang inaasahang paglalakbay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungong Beijing ngayong Oktubre.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar sa isang panayam. Pagtitibayin ng kanyang pagdalaw ang bilateral relations sa larangan ng pamahalaan, ekonomiya atpagsasaka. Kailangang matuto ang Pilipinas sa Tsina kung paano nito napaunlad ang isang malaking bansa na kinatatampukan ng maraming mga mamamayan.

Nakadalaw na rin si Pangulong Duterte sa Indonesia, Laos at Vietnam at nakatakdang dumalaw sa Brunei, Tsina at Japan.

Isang malayang foreign policy ang layunin ni Pangulong Duterte at magbubukas ng pakikipagkaibigan sa iba't ibang bansa maliban sa mga dati ng mga kaibigan tulad ng Estados Unidos. Pagpapalawak lamang ito ng mga oportunidad para sa bansa at mga mamamayan na nagnanais magtrabaho sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Mananatili ang pakikipagkaibigan, mga kasunduan tulad ng mga tratadong nilagdaan ng Pilipinas sa mga bansang Kanluranin.

Ipinaliwanag pa ni G. Andanar na nagdesisyon na ang Korte Suprema na isang executive agreement ang Enhanced Defense Cooperation Agreement ay kakaiba sa Mutual Defense Treaty na nilagdaan noong 1951.

Ani G. Andanar may pagpupulong ng mga kinatawan ng America at Pilipinas ngayong buwan at pag-uusapan kung kailangan pang ipagpatuloy ang Mutual Defense Treaty ng dalawang bansa.

Tumanggi si G. Andanar na ilahad ang takdang petsa ng paglalakbay patungong Tsina sapagkat hihintayin na lamang ang pagpapahayag ng Department of Foreign Affairs.

May 40 mga mamamahayag na lalahok sa pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina kasama ang ilang mga miyembro ng gabinete.

Palalakasin ang bilateral communication ties sa Tsina at makikipagtulungan sa CCTV at China Radio International at kung paano napapatakbo ang mga pahayagan at mga news agency tulad ng Xinhua.

Si Secretary Ramon Lopez ay makakasama rin sa delegasyon at magpapayabong ng kalakal at investments sa pagitan ng dalawang bansa. Hinggil sa mga pagawaing-bayan, binuksan na ni Pangulong Duterte ang pinto para sa mga investors sa larangan ng pagsasaka, aquaculture, ang paggamot sa mga napatunayang may karamdaman dulot ng illegal drugs.

Sapagkat iisang dagat ang nasa pagitan ng dalawang bansa, kailangang magtulungan ang magkabilang-panig sa pagpapanatili ng kapayapaan sa South China Sea, dagdag pa ni G. Andanar.

Maraming mga Tsinong nakadadalaw sa Thailand at umaasa rin si Secretary Andanar na makararating ang mga Tsinong turista sa Pilipinas mula sa Hong Kong at Tsina. May pagtatangka ang Department of Tourism na anyayahan mga Tsinong maglakbay sa Pilipinas.

Ipinaliwanag rin ni G. Andanar na ang mga krimen mula nang maluklok ang kasalukuyang pangulo ay bumaba na. Mas ligtas na umano ang pakiramdam ng mga mamamayan sa ilalim ng liderato ni Ginoong Duterte.

Mayroon ding posibilidad na magtulungan ang mga Tsino at mga Filipino sa pagpapalitan ng impormasyon hinggil sa mga illegal na gawain at produktong nakapapasok at nakalalabas sa mga bansa. Maari pa ring lumawak ito sa mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>