|
||||||||
|
||
Sa mga balitang lumabas mula sa Kongreso, ipinagpatuloy ng House Justice Committee ang pagdinig kanina. Pinamunuan ni Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali ang pagdinig. Nagsalita ang isang Joenel Sanchez, isang dating close-in aide ni Senador de Lima at isang kasapi ng Presidential Security Group.
Ani G. Sanchez, kakaiba ang relasyong namagitan sa ngayo'y senador at sa kanyang dating tsuper na si Ronnie Dayan, ang lalaking inakusahan ni Pangulong Duterte na tumatanggap ng protection money para kay Senador de Lima mula sa mga drug lord sa Bilibid.
May relasyon umano sina Senador de Lima at Dayan sapagkat doon na natutulog ang tauhan sa tahanan ng dating kalihim ng Department of Justice. Sa kanilang out-of-town trips, magkasama sila sa iisang silid. Madalas din umano silang dumalaw sa tahanan ni Secretary de Lima sa Iriga City sa Bicol Region.
Nagsusubuan pa umano ng saging ang dalawa bukod sa pamimili ng mga kailangan ni Dayan.
Hindi sumipot sa pagdinig sa Kongreso si Senador de Lima.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |