|
||||||||
|
||
Oktubre 6, 2016, La Paz, kabisera ng Bolivia, nag-usap sina Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina at David Choquehuanca Céspedes, Ministrong Panlabas ng Bolivia.
Ipinahayag ni Wang na laging naggagalangan sa isa't isa ang Tsina at Bolivia, at ang relasyon ng dalawang bansa ay naging model ng kooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan sa mga malaki at maliit na bansa. Itinuturing ng Tsina ang Bolivia bilang mabuting kaibigan at partner. Dapat isakatuparan ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa at magkasamang pasulungin ang komprehensibong kooperasyon.
Ipinahayag ni Choquehuanca na ang estratehikong relasyon sa Tsina ay nagdudulot ng malaking tagapagpasulong na puwersa sa pag-unlad ng bansa. Nakahanda ang Bolivia na magsikap, kasama ng Tsina, para mapabilis ang pagsasakatuparan ng mga proyektong pangkooperasyon nila ng Tsina.
Salin:Le
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |