Magkakabisa ang "Paris Agreement", kasunduang hinggil sa paglaban sa pagbabago ng klima sa ika-4 ng susunod na buwan. Ipinahayag kamakailan ni Erik Solheim, Executive Director of the United Nations Environment Programme (UNEP) na pinasalamatan ng UN ang Tsina sa pagganap nito ng positibong papel sa pagpapasulong ng proseso ng "Paris Agreement" at pagsasaayos ng kapaligiran ng mundo.
Aniya, pinababagal ng Tsina ang pagbabago ng klima at pulusyon ng hangin sa pamamagitan ng inobasyon ng green technology, at maaaring matuto ang iba pang bansa sa karanasan ng Tsina.
Aniya, tinatalakay ng UNEP at Tsina ang ibayo pang kooperasyon, umaasa ang dalawang panig na mapapalaganap ang green development model ng Tsina sa mas maraming bansa, sa pamamagitan ng kooperasyon ng green economy at green infrastructure construction.
salin:wle