|
||||||||
|
||
Dhaka — Sa isang panayam sa bisperas ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Bangladesh, ipinahayag ni Punong Ministro Sheikh Hasina ng Bangladesh, na may mahalagang katuturan ang nasabing biyahe para sa relasyon ng Tsina at Bangladesh.
Ani Hasina, nitong 41 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, at sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng mga pamahalaan at mamamayan ng dalawang bansa, walang humpay na umuunlad ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Bangladesh at Tsina. Buong tatag aniyang kinakatigan ng Bangladesh ang patakarang "Isang Tsina."
Dagdag pa niya, lubos na pinahahalagahan ng Bangladesh ang relasyon sa Tsina, at taos-pusong pinasasalamatan ang ibinibigay na matapat na tulong ng panig Tsino sa kanyang bansa sa mga larangang tulad ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at konstruksyon ng imprastruktura.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |