Sa Goa, India—Nagtagpo dito Sabado, Oktubre 15, 2016, sina Pangulo Xi Jinping ng Tsina at Pushpa Kamal Dahal Prachanda, Punong Ministro ng Nepal.
Sinabi ni Xi na dapat isakatuparan ng Tsina at Nepal ang mga narating na nagkakaisang posisyon sa mga kooperasyon na gaya ng connectivity, malayang kalakalan, at enerhiya.
Nakahanda aniya siyang patuloy na tutulungan ng Tsina ang rekonstruksyon ng Nepal pagkatapos ng kalamidad, pasiglahin ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa Nepal, at pahigpitin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa agrikultura, industriya, kultura, edukasyon at turismo.
Pinasalamatan ni Pushpa Kamal Dahal Prachanda ang pagtutulong ng Tsina sa rekonstruksyon ng kanyang bansa at pambansang pag-unlad. Sinabi niyang itinuring ng kanyang bansa ang Tsina bilang matalik at pinagtitiwalaang kaibigan.
Bukod dito, nakahanda aniya siyang aktibong lumahok sa mga proyekto sa ilalim ng balangkas ng "Belt and Road" Initiative at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).