Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

White paper na "China's Progress in Poverty Reduction and Human Rights," inilabas na

(GMT+08:00) 2016-10-17 15:20:34       CRI

Ngayong araw (Oktubre 17, 2016) ay ika-3 "Araw ng Pagbibigay-tulong sa mga Mahihirap" na naitakda ng Konseho ng Estado ng Tsina. Ito rin ay ika-24 na "Pandaigdigang Araw ng Pagpawi ng Karalitaan." Isang white paper na pinamagatang "China's Progress in Poverty Reduction and Human Rights" ang ipinalabas sa araw na ito ng Konseho ng Estado ng Tsina.

May anim (6) na bahagi ang white paper na kinabibilangan ng: una, pagpapasulong ng pagbabawas ng karalitaan sa pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao ng Tsina; ikalawa, paggarantiya sa pagpapatuloy ng pamumuhay ng mga mahirap na populasyon; ikatlo, pangangalaga sa karapatan ng mga tao na may espesyal na pangangailangan; ikaapat, pagpapabuti ng kapaligiran ng pag-unlad sa mga mahihirap na purok; ikalima, puspusang pagpapasulong ng usapin ng pagbabawas ng karalitaan; ika-anim, pagpasok ng pagbabawas ng karalitaan sa mahirap at mahalagang yugto.

Anang white paper, ang poverty reduction action ng Tsina ay pinakamalianw na pagpapakita ng natamong progreso ng usapin ng karapatang pantao ng bansa. Nitong 30 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, nai-angat mula sa kahirapan ang mahigit 700 milyong mahirap na mamamayan. Nabawasan anito sa mga 55.7 milyon ang bilang ng mga mahirap na populasyon sa kanayunan noong isang taon. Halatang bumuti rin ang imprastruktura, at patuloy ang pagtaas ng lebel ng paggarantiya ng pundamental na serbisyong pampubliko.

Sinabi ng white paper na ayon sa "Millennium Development Goals Report 2015" na ipinalabas ng United Nations (UN), bumaba sa 4.2% ang proporsyon ng sobrang mahirap na populasyon ng Tsina noong taong 2014, mula 61% noong 1990. Lumampas naman sa 70% ang contribution rate ng Tsina sa pagbabawas ng karalitaan sa buong mundo. Ang Tsina ay nagsilbing bansang nakapagbawas ng pinakamaraming mahirap na populasyon sa daigdig, at nakapagbigay ito ng napakahalagang ambag para sa usapin ng pagbabawas ng karalitaan sa buong mundo.

Ayon pa sa white paper, kasabay ng pagpawi ng sariling karalitaan, aktibong kinakatigan at binibigyang-tulong ng Tsina ang mga malawakang umuunlad na bansa sa usaping ito.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>