|
||||||||
|
||
Noong ika-5, Oktubre, 2016, ini-nominate ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jose Santiago Sta. Romana, beteranong media man, bilang bagong Embahador ng bansa sa Tsina.
Si Jose Santiago Sta. Romana na may edad na 68, ay kasalukuyang pinuno ng Asosyasyon ng Pilipinas sa Pananaliksik sa Tsina. Siya rin ay bantog na eksperto sa isyu ng Tsina, at malalim ang kanyang kaalaman sa mga suliraning Tsino. Bukod dito, napakahusay ng kanyang pagsasalita ng wikang Tsino.
Makaraang matamo ang nasabing nominasyon, ipinahayag ni Romana ang pag-asang maisasabalikat ang tungkuling pinasusulong ang kapakanang pang-estado at pinabubuti ang relasyon ng Pilipinas at Tsina.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |