Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, kinatagpo ang mga Pinoy sa Beijing: maayos na gobyerno, ipinangako

(GMT+08:00) 2016-10-20 16:27:48       CRI

Beijing, Tsina – Sa kanyang pakikitagpo kagabi, Oktubre 19, 2016 sa Filipino Community sa Beijing, isinigurado at ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga Pilipinong naroon sa pagtitipon at lahat ng Pilipino sa buong mundo na sisikapin niyang magkaroon ng maayos na pamamalakad ang pamahalaan ang Pilipinas.

"I give you my word, there will be no corruption," anang pangulo.

Sa gitna ng masigabong palakpakan, nagbigay din ng payo si Pangulong Duterte sa mga Pilipino. Aniya, para makatulong ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na masawata ang korupsyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kailangan aniyang manindigan ang mga ito pagdating sa kanilang mga karapatan.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, sinuman mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), [Bureau of] Customs, at [Bureau of] Immigration ang magmamalabis sa kanilang kapangyarihan, kailangang magsalita at magreklamo ang mga OFW, nang sa ganoon ay makarating ang mga ito sa kanyang opisina upang magawan ng karampatang aksyon.

Sa kanyang talumpati, sinagot din ni Duterte ang isyung may-kinalaman daw siya sa mga extra-judicial killing at maari siyang kasuhan ng International Criminal Court (ICC) sa kanyang mga sinasabi tungkol sa isyung ito, ipinagdiinan ni Duterte na hindi totoo ang isyu ng extra-judicial killing, at ang mga namamatay sa kanyang giyera kontra sa droga ay mula sa legitimate police operations.

Aniya, alam ng mga pulis at sundalo ang kanilang trabaho dahil pinag-aralan nila ang mga ito mula sa kanilang mga paaralan, na gaya ng Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA).

"Hindi ko na kailangan pang ituro sa kanilang kung ano ang legal at hindi legal," ani Duterte.

Dagdag ng pangulo, kailangang masawata ang droga sapagkat ito ang ugat ng kriminalidad at sumisira sa buhay ng pamilyang Pilipino at ito rin ang dahilan kung bakit hindi umaangat ang kabuhayan at ekonomiya ng Pilipinas.

Hindi rin aniya siya nababahala kung makasuhan man siya dahil ito ay para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

Idinagdag pa niyang, handa siyang mabulok sa bilangguan kung ito ay para sa ikabubuti ng lahat ng mamamayang Pilipino.

"Even if it is true, I will be willing to rot in jail for you," ani Duterte.

/end/ rhio/jade/ernest //

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>