|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pagkakaroon ng mga lider ng Tsina at Pilipinas ng komong palagay tungkol sa pagsasaisang-tabi ng hidwaan sa South China Sea, ipinahayag kamakailan ng pamahalaang Hapones ang pagkabahala. Plano rin nitong himukin ang Pilipinas na igalang ang resulta ng hatol ng arbitrasyon sa isyu ng South China Sea.
Bilang tugon, sinabi nitong Biyernes, Oktubre 21, 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing pananalita ng Hapon ay di-magkatumga sa situwasyon at tunguhin. Aniya, ang komprehensibong pagbuti at pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino at pagpapanumbalik sa tumpak na landas ng paglutas sa isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng bilateral na diyalogo at pagsasanggunian, ay hindi lamang angkop sa pundamental at komong interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi nakakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Dagdag pa ni Hua, hinihimok ng Tsina ang Hapon na agarang itigil ang mga pananalita at aksyon nitong palayuhin ang relasyon ng mga bansa sa rehiyong ito upang totohanang gumanap ng konstruktibong papel para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |