Ayon sa Ministri ng Kalakalan ng Indonesia, ilalaan ng pamahalaang Indones ang halos 280 milyong dolyares para maitayo at mapasigla ang isang libong tradisyonal na pamilihan bago dumating ang taong 2018.
Ayon sa Ministro ng Kalakalan ng Indonesia, sapul nang pumasok ang kasalukuyang taon, 52 bagong tradisyonal na pamilihan ang naitayo at 272 iba pa ang napa-ahon. Aniya, ang pinagmumulan ng pondo ay pangunahin na, Ministri ng Kalakalan at Ministri ng mga Katam-taman at Maliliit na Bahay-kalakal ng bansa.
Salin: Li Feng