|
||||||||
|
||
Sina Zhao Jianhua(Embahador ng Tsina sa Pilipinas) at Pangulong Duterte
Ayon sa website ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, magkakaloob ng 5 milyong RMB o mga 35 milyong Piso ang pamahalaang Tsino para sa relief work pagkaraang manalasa ni Bagyong Lawin sa Pilipinas.
Bago ito, noong Oktubre 24, 2016, nagkaloob ng 50 milyon Piso ang Embahada ng Tsina sa Pilipinas para sa mga nabiktimang mamamayan ng nasabing bagyo. Bukod dito, ipinatalastas din ng Red Cross Society of China na magkakaloob ito ng 100 libong dolyares o 4.8 milyong Piso bilang makataong tulong. Hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 90 milyong Piso ang kabuuang tulong na ibinigay ng Tsina sa Pilipinas.
salin:lele
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |