|
||||||||
|
||
SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang masugpo ang problemang dulot ng ilegal na droga sa bansa subalit hindi niya akalaing ganito kalaki o kalala and problema.
Sa isang press briefing sa Ninoy Aquino International Airport bago umalis patungong Japan, sinabi niyang may isang libong pulis na sangkot sa droga at halos isang libong mga barangay captain at ilang mga alkalde at national officials na sangkot din sa droga.
Kinausap na umano niya ang mga pulis at mga kawal na kumilos at nagkaroon ng validation sa mga ulat na nakarating sa kanya. Mayroon pa umanong ilang mga hukom sa buong bansang sangkot sa illegal drugs.
Pinuri niya ang Tsina sa pagtatayo ng drug rehabilitation center na pakikinabangan ng may 10,000 drug dependents sa Nueva Ecija. Magkakaroon pa ng isa pang rehabilitation center na dadalo sa may 20,000 drug dependents sa Mindanao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |