|
||||||||
|
||
Sa seremonya, sinabi ni Kurt Danielle Gonzales, kinatawan ng Delegasyong Pilipino na mula sa Mapua Institute of Technology, na sa pamamagitan ng nasabing dalawang linggong proyekto, natutunan nila ang mga modernong teorya hinggil sa ICT at nasubukan ang mga produkto ng Huawei Technologies sa nasabing larangan. Ito aniya ay makakatulong sa kanilang pag-aaral at karera sa kinabukasan.
Bukod dito, sinabi niyang nalaman din nila ang mga kahanga-hanga at maningning na kultura at kasaysayan ng Tsina.
Ipinahayag ni David Harmon, Vice President ng Global Public Affairs Department ng Huawei, na ang pag-unlad ng ICT ay magpapahigpit ng kaugnayan sa pagitan ng iba't ibang sektor ng lipunan at magpapasulong ng reporma sa mga larangan na gaya ng enerhiya, transportasyon, kalusugan at gawaing administratibo.
Sinabi pa niyang ang "Seeds for the Future" ay isang pandaigdigang proyekto ng Huawei para magbigay-tulong sa pag-unlad ng ICT sa mas maraming lugar sa ibayong dagat.
Sa taong 2016, ang nasabing proyekto ay isinasagawa sa 85 bansa at rehiyon. Ito aniya ay mas marami nang 25 bansa kumpara sa taong 2015.
Dumating sa Beijing noong ika-15 ng Oktubre ang delegasyong Pilipino na kinabibilangan ng 11 estudyanteng mula sa Mapua Institute of Technology, De la Salle University, Ateneo De Manila University, University of Cebu at University of Southeastern Philippines Davao City.
Mula ika-16 hanggang ika-21 ng Oktubre, pinag-aralan ng mga estudyanteng Pilipino ang mga saligang kurso hinggil sa kulturang Tsino sa Beijing Language and Culture University. Pagkatapos nito, tumungo sila sa Shenzhen para tanggapin ang mga pagsasanay ng Huawei mula ika-21 hanggang ika-28 ng buwang ito.
Si David Harmon, Vice President ng Global Public Affairs Department ng Huawei
Si Kurt Danielle Gonzales, estudyante mula sa Mapua Institute of Technology
Group picture ng Pilipino Delegasyon, kasama ng mga tauhan ng Huawei
Nag-performance ang mga estudyanteng Pilipino sa seremonya ng pagtatapos ng "Seeds for the Future"
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |