Lumisan kaninang umaga, Miyerkules, ika-2 ng Nobyembre 2016, ng Beijing, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, para sa opisyal na pagdalaw sa Kyrgyzstan, Kazakhstan, Latvia at Russia, at dumalo sa mga pandaigdig na pulong sa mga bansang ito.
Ang naturang mga pulong ay kinabibilangan ng Ika-15 Pulong ng mga Puno ng Pamahalaan ng Shanghai Cooperation Organization sa Kyrgyzstan, ika-3 regular na pagtatagpo ng mga punong ministro ng Tsina at Kazakhstan, Ika-5 Summit ng Tsina at mga Bansa sa Gitna at Silangang Europa sa Latvia, at ika-21 regular na pagtatagpo ng mga punong ministro ng Tsina at Rusya.
Salin: Liu Kai