|
||||||||
|
||
Sinabi ni Li na malakas ang nakatagong lakas ng kooperasyon ng Tsina at Malaysia sa iba't ibang larangan. Nakahanda aniya siyang iugnay ang "Belt and Road" Initiative at estratehiyang pangkaunlaran ng Malaysia para pasulungin ang bilateral na kalakalan, daambakal, pinansiya, seguridad, depensa, kultura at edukasyon.
Sinabi pa ni Li na matatag na kinakatigan ng Tsina ang konstruksyon ng ASEAN Community, at nukleong papel ng ASEAN sa kooperasyong panrehiyon. Nakahanda rin aniya ang Tsina na pahigpitin, kasama ng Malaysia, ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan para pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN, at magkasamang pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Najib Tun Razak na matalik at mapagkakatiwalaang kaibigan ng Malaysia ang Tsina.
Sinang-ayunan din niya ang mga mungkahi ni Li hinggil sa pagpapahigpit ng kanilang kooperasyon sa nabanggit na mga larangan.
Bukod dito, sinabi niyang nakahanda ang Malaysia na buong sikap na pasulungin ang relasyon ng Tsina at ASEAN.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |