|
||||||||
|
||
Sa magkahiwalay na okasyon, nakipag-usap Nobyembre 5 ng hapon, 2016, sa Riga, Latvia si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga Punong Ministro ng Lithuania at Slovak na sina Algirdas Butkewiczius at Robert Fico. Sila ay dumalo sa 5th China and Central Eastern European Countries Summit(China-CEEC Summit).
Sa pakikipag-usap kay Punong Ministro Algirdas Butkewiczius, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang na nananatiling maalwan ang pag-unlad ng pagtutulungan ng Tsina at Lithuania. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Lithuania para ibayong pang pahigpitin ang pragmatikong pagtutulungan, at maisakatuparan ang win-win situation. Ito aniya'y angkop sa komong interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Punong Ministrong Algirdas Butkewiczius na optimistiko ang Lithuania sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa kasalukuyan at hinaharap. Nakahanda aniya ang Lithuania na ibayong pahigpitin at palawakin ang pakikipagtulungang pangkabuhayan at pangkalakalan sa Tsina.
Sa pakikipag-usap kay Punong Ministro Robert Fico, ipinahayag ni Premyer Li ang pag-asang igagalang ng Tsina at Slovak ang kani-kanilang nukleong interes at mga usaping kapuwa mahalaga sa dalawang panig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Slovak para pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Punong Ministro Robert Fico na pinahahalagahan ng Slovak ang pakikipagtulungan sa Tsina, at ipagpapatuloy ng kanyang bansa ang pagsuporta sa patakarang "Isang Tsina."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |