Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Helicopter, bumagsak, 13 mga pulis at militar, nakaligtas

(GMT+08:00) 2016-11-09 15:39:06       CRI

ISANG helicopter ng Philippine Air Force na sinasakyan ng 13 pulis at mga kawal ang bumagsak sa isang palayan sa Puerto Princesa City sa Palawan kaninang hapon.

Kabilang sa mga pasahero sina C/Supt. Wilben Mayor, MIMAROPA Police Director, kasama rin sina C/Supt. Camilo Cascolan at Nestor Bergonia ng Operations Center.

Ligtas naman ang mga pasahero maliban sa dalawang nasugatan. Mga ikalawa ng hapon, ang Air Force Sokol 926 na sinasakyan nina General Mayor ang nagsagawa ng inspection para sa ASEAN Chief Justices Meeting na nakatakdang gawin sa Palawan.

Nagkaproblema ang helicopter kaya't nag crash-land sa isang palayan sa Sitio Sabang, Barangay Cabayugan sa Palawan. Pinadalhan kaagad ng Western Command ng isang air ambulance at isa pang eroplano patungo sa pook ng sakuna.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>