Sa Ika-85 Sesyong Plenaryo ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) na idinaos ngayong araw, Huwebes, ika-10 ng Nobyembre 2016, sa Bali, Indonesya, naihalal si Meng Hongwei, Pangalawang Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, bilang bagong pangulo ng naturang organisasyon. Apat na taon ang kanyang termino.
Pagkaraang maihalal, ipinahayag ni Meng, na magsisikap siya para pasulungin ang kooperasyon ng pulisya ng iba't ibang bansa, katigan ang pagpapalakas ng kani-kanilang kakayahan, at palakasin ang koordinasyon ng pulisya sa iba't ibang rehiyon at bansa. Ito aniya ay para gawing mas mabisang plataporma ng pandaigdig na kooperasyon ng pulisya ang INTERPOL, ibayo pang makinabang sa organisasyong ito ang iba't ibang kasapi, at maging mas ligtas ang daigdig.
Salin: Liu Kai