Dahil sa pagdaraos sa Danang, Biyetnam ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa 2017, ipinagdiinan kamakailan ni Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam, na dapat may isang pangkalahatang estratehikong plano ng pag-unlad ang Danang city para mapaunlad ito bilang intelligent city, sentro ng komunikasyon at serbisyong pandaigdig. Layon nito aniyang makipagkompetisyon sa Singapore at Chinese Hong Kong ang nasabing lunsod.
Hiniling ng Vietnames Prime Minister sa Danang na puspusang paunlarin ang bahay-kalakal at i-enkorahe ang pagpapasimula ng negosyo. Bukod dito, dapat aniyang likhain ang mga paborableng kondisyon para sa mga katam-tamang laking bahay-kalakal at mga bahay-kalakal na nagkakaloob ng napakaraming trabaho.
Salin: Li Feng